1 Mga Hari 15

Sapagkat matuwid sa paningin ng Panginoon ang mga ginawa ni David, at hindi siya sumuway sa utos ng Panginoon noong nabubuhay pa siya, maliban lang sa ginawa niya kay Urias na Heteo.

1 Kings 15:5 (UKJV) Because David did that which was right in the eyes of the LORD, and turned not aside from any thing that he commanded him all the days of his life, save only in the matter of Uriah the Hittite.

3Ginawa rin niya ang lahat ng kasalanan na ginawa ng kanyang ama. Hindi naging maganda ang relasyon niya sa Panginoon na kanyang Diyos; hindi tulad ni David na kanyang ninuno.

4Ngunit dahil kay David, niloob ng Panginoon na kanyang Diyos, na patuloy na magmumula sa angkan niya ang maghahari sa Jerusalem sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng anak na papalit sa kanyang trono upang pangunahan at patatagin ang Jerusalem.

5Sapagkat matuwid sa paningin ng Panginoon ang mga ginawa ni David, at hindi siya sumuway sa utos ng Panginoon noong nabubuhay pa siya, maliban lang sa ginawa niya kay Urias na Heteo.

6Ang digmaan sa pagitan nina Abias at Jeroboam ay nagpatuloy sa buong buhay ni Abias.

7Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Abias, at ang lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda. Palaging may digmaan sa pagitan nina Abias at Jeroboam.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.