1 Mga Hari 15

Ginawa rin niya ang lahat ng kasalanan na ginawa ng kanyang ama. Hindi naging maganda ang relasyon niya sa Panginoon na kanyang Diyos; hindi tulad ni David na kanyang ninuno.

1 Kings 15:3 (UKJV) And he walked in all the sins of his father, which he had done before him: and his heart was not perfect with the LORD his God, as the heart of David his father.

1Noong ikalabingwalong taon ng paghahari sa Israel ni Jeroboam na anak ni Nebat, naging hari naman ng Juda si Abias.

2Sa Jerusalem tumira si Abias, at naghari siya sa loob ng tatlong taon. Ang ina niya ay si Maaca na apo ni Absalom.

3Ginawa rin niya ang lahat ng kasalanan na ginawa ng kanyang ama. Hindi naging maganda ang relasyon niya sa Panginoon na kanyang Diyos; hindi tulad ni David na kanyang ninuno.

4Ngunit dahil kay David, niloob ng Panginoon na kanyang Diyos, na patuloy na magmumula sa angkan niya ang maghahari sa Jerusalem sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng anak na papalit sa kanyang trono upang pangunahan at patatagin ang Jerusalem.

5Sapagkat matuwid sa paningin ng Panginoon ang mga ginawa ni David, at hindi siya sumuway sa utos ng Panginoon noong nabubuhay pa siya, maliban lang sa ginawa niya kay Urias na Heteo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.