1Noong ikalabingwalong taon ng paghahari sa Israel ni Jeroboam na anak ni Nebat, naging hari naman ng Juda si Abias.
2Sa Jerusalem tumira si Abias, at naghari siya sa loob ng tatlong taon. Ang ina niya ay si Maaca na apo ni Absalom.
3Ginawa rin niya ang lahat ng kasalanan na ginawa ng kanyang ama. Hindi naging maganda ang relasyon niya sa Panginoon na kanyang Diyos; hindi tulad ni David na kanyang ninuno.
4Ngunit dahil kay David, niloob ng Panginoon na kanyang Diyos, na patuloy na magmumula sa angkan niya ang maghahari sa Jerusalem sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng anak na papalit sa kanyang trono upang pangunahan at patatagin ang Jerusalem.