1 Mga Hari 15

Pati ang lola niyang si Maaca ay inalis niya sa pagkareyna dahil nagpagawa ito ng imahen ng kasuklam-suklam na diyosang si Ashera. Ipinaputol ni Asa ang mga imaheng ito at ipinasunog sa Lambak ng Kidron.

1 Kings 15:13 (UKJV) And also Maachah his mother, even her he removed from being queen, because she had made an idol in a grove; and Asa destroyed her idol, and burnt it by the brook Kidron.

11Matuwid ang ginawa ni Asa sa paningin ng Panginoon, katulad ni David na kanyang ninuno.

12Pinalayas niya sa Juda ang mga lalaki at babaeng nagbebenta ng aliw sa mga lugar na sambahan, at ipinatanggal ang lahat ng diyos-diyosang ipinagawa ng kanyang mga ninuno.

13Pati ang lola niyang si Maaca ay inalis niya sa pagkareyna dahil nagpagawa ito ng imahen ng kasuklam-suklam na diyosang si Ashera. Ipinaputol ni Asa ang mga imaheng ito at ipinasunog sa Lambak ng Kidron.

14Kahit hindi nawala ang mga sambahan sa matataas na lugar, nanatili pa rin siyang tapat sa Panginoon sa buong buhay niya.

15Dinala niya sa Templo ng Panginoon ang mga pilak, ginto at ang iba pang mga bagay na inihandog niya, at ng kanyang ama sa Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.