1 Mga Hari 15

Kahit hindi nawala ang mga sambahan sa matataas na lugar, nanatili pa rin siyang tapat sa Panginoon sa buong buhay niya.

1 Kings 15:14 (UKJV) But the high places were not removed: nevertheless Asa's heart was perfect with the LORD all his days.

12Pinalayas niya sa Juda ang mga lalaki at babaeng nagbebenta ng aliw sa mga lugar na sambahan, at ipinatanggal ang lahat ng diyos-diyosang ipinagawa ng kanyang mga ninuno.

13Pati ang lola niyang si Maaca ay inalis niya sa pagkareyna dahil nagpagawa ito ng imahen ng kasuklam-suklam na diyosang si Ashera. Ipinaputol ni Asa ang mga imaheng ito at ipinasunog sa Lambak ng Kidron.

14Kahit hindi nawala ang mga sambahan sa matataas na lugar, nanatili pa rin siyang tapat sa Panginoon sa buong buhay niya.

15Dinala niya sa Templo ng Panginoon ang mga pilak, ginto at ang iba pang mga bagay na inihandog niya, at ng kanyang ama sa Panginoon.

16Sa buong paghahari nila, palaging naglalaban sina Asa at Baasa na hari ng Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.