14Kahit hindi nawala ang mga sambahan sa matataas na lugar, nanatili pa rin siyang tapat sa Panginoon sa buong buhay niya.
15Dinala niya sa Templo ng Panginoon ang mga pilak, ginto at ang iba pang mga bagay na inihandog niya, at ng kanyang ama sa Panginoon.
16Sa buong paghahari nila, palaging naglalaban sina Asa at Baasa na hari ng Israel.
17Nilusob ni Haring Baasa ng Israel ang Juda, at pinabakuran niya ang Rama para walang makalabas o makapasok sa teritoryo ni Haring Asa ng Juda.
18Pinagkukuha ni Asa ang lahat ng pilak at ginto na naiwan sa mga bodega ng Templo ng Panginoon at sa kanyang palasyo. Ipinagkatiwala niya ito sa kanyang mga opisyal at inutusan niya sila na dalhin ito kay Haring Ben-hadad ng Aram doon sa Damasco kung saan ito nakatira. Si Ben-hadad ay anak ni Tabrimon at apo ni Hezion.