1 Mga Hari 15

Pinagkukuha ni Asa ang lahat ng pilak at ginto na naiwan sa mga bodega ng Templo ng Panginoon at sa kanyang palasyo. Ipinagkatiwala niya ito sa kanyang mga opisyal at inutusan niya sila na dalhin ito kay Haring Ben-hadad ng Aram doon sa Damasco kung saan ito nakatira. Si Ben-hadad ay anak ni Tabrimon at apo ni Hezion.

1 Kings 15:18 (UKJV) Then Asa took all the silver and the gold that were left in the treasures of the house of the LORD, and the treasures of the king's house, and delivered them into the hand of his servants: and king Asa sent them to Benhadad, the son of Tabrimon, the son of Hezion, king of Syria, that dwelt at Damascus, saying,

16Sa buong paghahari nila, palaging naglalaban sina Asa at Baasa na hari ng Israel.

17Nilusob ni Haring Baasa ng Israel ang Juda, at pinabakuran niya ang Rama para walang makalabas o makapasok sa teritoryo ni Haring Asa ng Juda.

18Pinagkukuha ni Asa ang lahat ng pilak at ginto na naiwan sa mga bodega ng Templo ng Panginoon at sa kanyang palasyo. Ipinagkatiwala niya ito sa kanyang mga opisyal at inutusan niya sila na dalhin ito kay Haring Ben-hadad ng Aram doon sa Damasco kung saan ito nakatira. Si Ben-hadad ay anak ni Tabrimon at apo ni Hezion.

19Ito ang mensahe ni Asa kay Ben-hadad: “Gumawa tayo ng kasunduan tulad ng ginawa ng mga magulang natin. Tanggapin mo ang mga regalo ko sa iyo na ginto at pilak. Hinihiling ko lang na tigilan mo na ang pagkampi kay Haring Baasa ng Israel upang tigilan na niya ako.”

20Pumayag si Ben-hadad sa kahilingan ni Haring Asa, at inutusan niya ang mga kumander ng kanyang sundalo na lusubin ang mga bayan ng Israel. Nasakop nila ang Ijon, Dan, Abel-bet-maaca, ang buong Kineret at ang buong Neftali.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.