1 Mga Hari 15

Pumayag si Ben-hadad sa kahilingan ni Haring Asa, at inutusan niya ang mga kumander ng kanyang sundalo na lusubin ang mga bayan ng Israel. Nasakop nila ang Ijon, Dan, Abel-bet-maaca, ang buong Kineret at ang buong Neftali.

1 Kings 15:20 (UKJV) So Benhadad hearkened unto king Asa, and sent the captains of the hosts which he had against the cities of Israel, and stroke Ijon, and Dan, and Abelbethmaachah, and all Cinneroth, with all the land of Naphtali.

18Pinagkukuha ni Asa ang lahat ng pilak at ginto na naiwan sa mga bodega ng Templo ng Panginoon at sa kanyang palasyo. Ipinagkatiwala niya ito sa kanyang mga opisyal at inutusan niya sila na dalhin ito kay Haring Ben-hadad ng Aram doon sa Damasco kung saan ito nakatira. Si Ben-hadad ay anak ni Tabrimon at apo ni Hezion.

19Ito ang mensahe ni Asa kay Ben-hadad: “Gumawa tayo ng kasunduan tulad ng ginawa ng mga magulang natin. Tanggapin mo ang mga regalo ko sa iyo na ginto at pilak. Hinihiling ko lang na tigilan mo na ang pagkampi kay Haring Baasa ng Israel upang tigilan na niya ako.”

20Pumayag si Ben-hadad sa kahilingan ni Haring Asa, at inutusan niya ang mga kumander ng kanyang sundalo na lusubin ang mga bayan ng Israel. Nasakop nila ang Ijon, Dan, Abel-bet-maaca, ang buong Kineret at ang buong Neftali.

21Nang mabalitaan ito ni Baasa, pinahinto niya ang pagpapatayo ng pader sa Rama, at bumalik siya sa Tirza.

22Pagkatapos, nag-utos si Haring Asa sa lahat ng taga-Juda na kunin ang mga bato at mga troso na ginamit ni Baasa sa pagpapatayo ng pader ng Rama. At ginamit naman ito ni Haring Asa sa pagpatayo ng pader ng Geba sa Benjamin at ng Mizpa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.