25Noong ikalawang taon ng paghahari ni Asa sa Juda, naging hari ng Israel si Nadab na anak ni Jeroboam. At naghari siya ng dalawang taon sa Israel.
26Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon. Sumunod siya sa pamumuhay ng kanyang ama at sa kasalanang ginawa nito, na naging dahilan ng pagkakasala ng mga Israelita.
27Ngayon, si Baasa na anak ni Ahias, na mula sa lahi ni Isacar ay nagbalak ng masama laban kay Nadab. Ipinapatay ni Baasa si Nadab habang sinasalakay ni Nadab at ng buong Israel ang Gibeton, na isang bayan ng mga Filisteo.
28Pinatay ni Baasa si Nadab noong ikatlong taon ng paghahari ni Asa sa Juda. At si Baasa ang pumalit kay Nadab bilang hari.
29Pagkaupo ni Baasa sa kanyang trono, pinagpapatay niya ang buong pamilya ni Jeroboam; hindi siya nagtira kahit isa sang-ayon sa sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng kanyang lingkod na si Ahias na taga-Silo.