1 Mga Hari 15

Pagkaupo ni Baasa sa kanyang trono, pinagpapatay niya ang buong pamilya ni Jeroboam; hindi siya nagtira kahit isa sang-ayon sa sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng kanyang lingkod na si Ahias na taga-Silo.

1 Kings 15:29 (UKJV) And it came to pass, when he reigned, that he stroke all the house of Jeroboam; he left not to Jeroboam any that breathed, until he had destroyed him, according unto the saying of the LORD, which he spoke by his servant Ahijah the Shilonite:

27Ngayon, si Baasa na anak ni Ahias, na mula sa lahi ni Isacar ay nagbalak ng masama laban kay Nadab. Ipinapatay ni Baasa si Nadab habang sinasalakay ni Nadab at ng buong Israel ang Gibeton, na isang bayan ng mga Filisteo.

28Pinatay ni Baasa si Nadab noong ikatlong taon ng paghahari ni Asa sa Juda. At si Baasa ang pumalit kay Nadab bilang hari.

29Pagkaupo ni Baasa sa kanyang trono, pinagpapatay niya ang buong pamilya ni Jeroboam; hindi siya nagtira kahit isa sang-ayon sa sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng kanyang lingkod na si Ahias na taga-Silo.

30Nangyari ito dahil nagalit ang Panginoon, ang Diyos ng Israel, kay Jeroboam sa mga kasalanang ginawa niya, na naging dahilan ng pagkakasala ng mga Israelita.

31Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Nadab, at ang lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.