1 Mga Hari 15

Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Nadab, at ang lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.

1 Kings 15:31 (UKJV) Now the rest of the acts of Nadab, and all that he did, are they not written in the book of the chronicles of the kings of Israel?

29Pagkaupo ni Baasa sa kanyang trono, pinagpapatay niya ang buong pamilya ni Jeroboam; hindi siya nagtira kahit isa sang-ayon sa sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng kanyang lingkod na si Ahias na taga-Silo.

30Nangyari ito dahil nagalit ang Panginoon, ang Diyos ng Israel, kay Jeroboam sa mga kasalanang ginawa niya, na naging dahilan ng pagkakasala ng mga Israelita.

31Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Nadab, at ang lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.

32Palaging naglalaban sina Asa at Baasa, sa buong panahon ng paghahari nila.

33Noong ikatlong taon ng paghahari ni Asa sa Juda, naging hari ng Israel si Baasa na anak ni Ahias. Sa Tirza siya tumira, at naghari siya sa loob ng dalawampuʼt apat na taon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.