28Pinatay ni Baasa si Nadab noong ikatlong taon ng paghahari ni Asa sa Juda. At si Baasa ang pumalit kay Nadab bilang hari.
29Pagkaupo ni Baasa sa kanyang trono, pinagpapatay niya ang buong pamilya ni Jeroboam; hindi siya nagtira kahit isa sang-ayon sa sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng kanyang lingkod na si Ahias na taga-Silo.
30Nangyari ito dahil nagalit ang Panginoon, ang Diyos ng Israel, kay Jeroboam sa mga kasalanang ginawa niya, na naging dahilan ng pagkakasala ng mga Israelita.
31Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Nadab, at ang lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.
32Palaging naglalaban sina Asa at Baasa, sa buong panahon ng paghahari nila.