31Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Nadab, at ang lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.
32Palaging naglalaban sina Asa at Baasa, sa buong panahon ng paghahari nila.
33Noong ikatlong taon ng paghahari ni Asa sa Juda, naging hari ng Israel si Baasa na anak ni Ahias. Sa Tirza siya tumira, at naghari siya sa loob ng dalawampuʼt apat na taon.
34Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon. Sumunod siya sa pamumuhay ni Jeroboam at sa kasalanan na ginawa nito, na naging dahilan ng pagkakasala ng mga Israelita.