1 Mga Hari 16

Ito ang mensahe ng Panginoon laban kay Baasa na sinabi niya sa pamamagitan ni Jehu na anak ni Hanani:

1 Kings 16:1 (UKJV) Then the word of the LORD came to Jehu the son of Hanani against Baasha, saying,

1Ito ang mensahe ng Panginoon laban kay Baasa na sinabi niya sa pamamagitan ni Jehu na anak ni Hanani:

2“Pinabangon kita mula sa lupa, at ginawang pinuno ng mga mamamayan kong Israelita. Pero sinunod mo ang pamumuhay ni Jeroboam at ikaw ang naging dahilan ng pagkakasala ng aking mga mamamayan, at ginalit mo ako dahil sa kanilang mga kasalanan.

3Kaya papatayin kita at lilipulin ko ang iyong pamilya katulad ng ginawa ko sa pamilya ni Jeroboam na anak ni Nebat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.