1 Mga Hari 16

Umalis agad sa Gibeton si Omri at ang mga lahat ng kasama niyang mga Israelita, at sinalakay nila ang Tirza.

1 Kings 16:17 (UKJV) And Omri went up from Gibbethon, and all Israel with him, and they besieged Tirzah.

15Noong ikadalawampuʼt pitong taon ng paghahari ni Asa sa Juda, naging hari ng Israel si Zimri. Doon siya tumira sa Tirza, ngunit pitong araw lang ang itinagal ng paghahari niya. Kasalukuyang nakakampo ang mga sundalo ng Israel malapit sa Gibeton na isang bayan ng mga Filisteo.

16Nabalitaan nila na pinatay ni Zimri ang hari. Kaya nang araw ding iyon sa kampo, ginawa nilang hari ng Israel si Omri na kumander ng mga sundalo ng Israel.

17Umalis agad sa Gibeton si Omri at ang mga lahat ng kasama niyang mga Israelita, at sinalakay nila ang Tirza.

18Nang makita ni Zimri na naaagaw na ang lungsod, pumunta siya sa tore ng palasyo at sinunog ang paligid nito, kaya nasunog siya at namatay.

19Nangyari ito dahil sa mga kasalanang ginawa niya. Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon. Namuhay siyang katulad ni Jeroboam, at ginawa rin niya ang kasalanang ginawa nito, na naging dahilan ng pagkakasala ng mga Israelita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.