1 Mga Hari 16

Noong ikadalawampuʼt pitong taon ng paghahari ni Asa sa Juda, naging hari ng Israel si Zimri. Doon siya tumira sa Tirza, ngunit pitong araw lang ang itinagal ng paghahari niya. Kasalukuyang nakakampo ang mga sundalo ng Israel malapit sa Gibeton na isang bayan ng mga Filisteo.

1 Kings 16:15 (UKJV) In the twenty and seventh year of Asa king of Judah did Zimri reign seven days in Tirzah. And the people were encamped against Gibbethon, which belonged to the Philistines.

13dahil sa mga kasalanang ginawa nila na naging dahilan ng pagkakasala ng mga Israelita sa pamamagitan ng pagsamba sa walang kuwentang mga diyos-diyosan. Ito ang dahilan na nagalit kina Baasa at ng anak niyang si Elah ang Panginoon, ang Diyos ng Israel,

14Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Elah, at ang lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.

15Noong ikadalawampuʼt pitong taon ng paghahari ni Asa sa Juda, naging hari ng Israel si Zimri. Doon siya tumira sa Tirza, ngunit pitong araw lang ang itinagal ng paghahari niya. Kasalukuyang nakakampo ang mga sundalo ng Israel malapit sa Gibeton na isang bayan ng mga Filisteo.

16Nabalitaan nila na pinatay ni Zimri ang hari. Kaya nang araw ding iyon sa kampo, ginawa nilang hari ng Israel si Omri na kumander ng mga sundalo ng Israel.

17Umalis agad sa Gibeton si Omri at ang mga lahat ng kasama niyang mga Israelita, at sinalakay nila ang Tirza.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.