1 Mga Hari 16

dahil sa mga kasalanang ginawa nila na naging dahilan ng pagkakasala ng mga Israelita sa pamamagitan ng pagsamba sa walang kuwentang mga diyos-diyosan. Ito ang dahilan na nagalit kina Baasa at ng anak niyang si Elah ang Panginoon, ang Diyos ng Israel,

1 Kings 16:13 (UKJV) For all the sins of Baasha, and the sins of Elah his son, by which they sinned, and by which they made Israel to sin, in provoking the LORD God of Israel to anger with their vanities.

11Pagkaupo ni Zimri bilang hari, pinagpapatay niya ang buong pamilya ni Baasa. Wala siyang itinirang lalaki, kahit sa mga kamag-anak at mga kaibigan ni Baasa.

12Nilipol ni Zimri ang buong pamilya ni Baasa ayon sa sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propetang si Jehu,

13dahil sa mga kasalanang ginawa nila na naging dahilan ng pagkakasala ng mga Israelita sa pamamagitan ng pagsamba sa walang kuwentang mga diyos-diyosan. Ito ang dahilan na nagalit kina Baasa at ng anak niyang si Elah ang Panginoon, ang Diyos ng Israel,

14Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Elah, at ang lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.

15Noong ikadalawampuʼt pitong taon ng paghahari ni Asa sa Juda, naging hari ng Israel si Zimri. Doon siya tumira sa Tirza, ngunit pitong araw lang ang itinagal ng paghahari niya. Kasalukuyang nakakampo ang mga sundalo ng Israel malapit sa Gibeton na isang bayan ng mga Filisteo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.