10Pumasok si Zimri sa bahay at pinatay niya si Ela. Nangyari ito noong ikadalawampuʼt pitong taon ng paghahari ni Asa sa Juda. At si Zimri ang pumalit kay Elah bilang hari.
11Pagkaupo ni Zimri bilang hari, pinagpapatay niya ang buong pamilya ni Baasa. Wala siyang itinirang lalaki, kahit sa mga kamag-anak at mga kaibigan ni Baasa.
12Nilipol ni Zimri ang buong pamilya ni Baasa ayon sa sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propetang si Jehu,
13dahil sa mga kasalanang ginawa nila na naging dahilan ng pagkakasala ng mga Israelita sa pamamagitan ng pagsamba sa walang kuwentang mga diyos-diyosan. Ito ang dahilan na nagalit kina Baasa at ng anak niyang si Elah ang Panginoon, ang Diyos ng Israel,
14Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Elah, at ang lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.