1 Mga Hari 16

Pumasok si Zimri sa bahay at pinatay niya si Ela. Nangyari ito noong ikadalawampuʼt pitong taon ng paghahari ni Asa sa Juda. At si Zimri ang pumalit kay Elah bilang hari.

1 Kings 16:10 (UKJV) And Zimri went in and stroke him, and killed him, in the twenty and seventh year of Asa king of Judah, and reigned in his position.

8Noong ikadalawampuʼt anim na taon ng paghahari ni Asa sa Juda, naging hari ng Israel si Elah na anak ni Baasa. Sa Tirza siya tumira, at naghari siya sa loob ng dalawang taon.

9Si Zimri, na isa sa mga opisyal niya at kumander ng kalahati ng kanyang mga mangangarwahe ay nagbalak ng masama laban sa kanya. Isang araw, naglasing si Elah sa Tirza, sa bahay ni Arsa na siyang tagapamahala ng palasyo roon.

10Pumasok si Zimri sa bahay at pinatay niya si Ela. Nangyari ito noong ikadalawampuʼt pitong taon ng paghahari ni Asa sa Juda. At si Zimri ang pumalit kay Elah bilang hari.

11Pagkaupo ni Zimri bilang hari, pinagpapatay niya ang buong pamilya ni Baasa. Wala siyang itinirang lalaki, kahit sa mga kamag-anak at mga kaibigan ni Baasa.

12Nilipol ni Zimri ang buong pamilya ni Baasa ayon sa sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propetang si Jehu,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.