1 Mga Hari 16

Noong ikadalawampuʼt anim na taon ng paghahari ni Asa sa Juda, naging hari ng Israel si Elah na anak ni Baasa. Sa Tirza siya tumira, at naghari siya sa loob ng dalawang taon.

1 Kings 16:8 (UKJV) In the twenty and sixth year of Asa king of Judah began Elah the son of Baasha to reign over Israel in Tirzah, two years.

6Namatay si Baasa at inilibing sa Tirza. At ang anak niyang si Elah ang pumalit sa kanya bilang hari.

7Ang mensaheng iyon ng Panginoon laban kay Baasa at sa pamilya niya ay sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propetang si Jehu na anak ni Hanani. Sinabi iyon ng Panginoon dahil sa lahat ng masasamang ginawa nito sa paningin ng Panginoon. Ginalit niya ang Panginoon dahil sa mga ginawa niya na katulad ng ginawa ng pamilya ni Jeroboam, at dahil sa kanyang pagpatay sa buong pamilya ni Jeroboam.

8Noong ikadalawampuʼt anim na taon ng paghahari ni Asa sa Juda, naging hari ng Israel si Elah na anak ni Baasa. Sa Tirza siya tumira, at naghari siya sa loob ng dalawang taon.

9Si Zimri, na isa sa mga opisyal niya at kumander ng kalahati ng kanyang mga mangangarwahe ay nagbalak ng masama laban sa kanya. Isang araw, naglasing si Elah sa Tirza, sa bahay ni Arsa na siyang tagapamahala ng palasyo roon.

10Pumasok si Zimri sa bahay at pinatay niya si Ela. Nangyari ito noong ikadalawampuʼt pitong taon ng paghahari ni Asa sa Juda. At si Zimri ang pumalit kay Elah bilang hari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.