1 Mga Hari 16

Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Baasa, at ang mga ginawa niya at pagtatagumpay ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.

1 Kings 16:5 (UKJV) Now the rest of the acts of Baasha, and what he did, and his might, are they not written in the book of the chronicles of the kings of Israel?

3Kaya papatayin kita at lilipulin ko ang iyong pamilya katulad ng ginawa ko sa pamilya ni Jeroboam na anak ni Nebat.

4Ang mga kabilang sa pamilya mo na mamamatay sa lungsod ay kakainin ng mga aso, at ang mamamatay sa bukid ay kakainin ng mga ibon.”

5Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Baasa, at ang mga ginawa niya at pagtatagumpay ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.

6Namatay si Baasa at inilibing sa Tirza. At ang anak niyang si Elah ang pumalit sa kanya bilang hari.

7Ang mensaheng iyon ng Panginoon laban kay Baasa at sa pamilya niya ay sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propetang si Jehu na anak ni Hanani. Sinabi iyon ng Panginoon dahil sa lahat ng masasamang ginawa nito sa paningin ng Panginoon. Ginalit niya ang Panginoon dahil sa mga ginawa niya na katulad ng ginawa ng pamilya ni Jeroboam, at dahil sa kanyang pagpatay sa buong pamilya ni Jeroboam.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.