2“Pinabangon kita mula sa lupa, at ginawang pinuno ng mga mamamayan kong Israelita. Pero sinunod mo ang pamumuhay ni Jeroboam at ikaw ang naging dahilan ng pagkakasala ng aking mga mamamayan, at ginalit mo ako dahil sa kanilang mga kasalanan.
3Kaya papatayin kita at lilipulin ko ang iyong pamilya katulad ng ginawa ko sa pamilya ni Jeroboam na anak ni Nebat.
4Ang mga kabilang sa pamilya mo na mamamatay sa lungsod ay kakainin ng mga aso, at ang mamamatay sa bukid ay kakainin ng mga ibon.”
5Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Baasa, at ang mga ginawa niya at pagtatagumpay ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Israel.
6Namatay si Baasa at inilibing sa Tirza. At ang anak niyang si Elah ang pumalit sa kanya bilang hari.