1May isang propeta na ang pangalan ay Elias. Nakatira siya sa Tisbe na sakop ng Gilead. Sinabi niya kay Ahab, “Tinitiyak ko sa iyo, sa harap ng buháy na Panginoon, ang Diyos ng Israel na aking pinaglilingkuran, na wala ni hamog o ulan na darating sa loob ng ilang taon hanggaʼt hindi ko sinasabi na umulan o humamog.”
2Pagkatapos, sinabi ng Panginoon kay Elias,
3“Umalis ka rito, tuntunin mo ang daan pasilangan at magtago ka may batis ng Kerit, sa bandang silangan ng Jordan.