13Sinabi ni Elias sa kanya, “Huwag kang mag-alala. Umuwi ka at gawin ang sinabi mo. Ngunit ipagluto mo muna ako ng maliit na tinapay mula sa natirang harina, at dalhin mo agad ito sa akin. Pagkatapos, magluto ka rin para saʼyo at sa anak mo.
14Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, ‘Hindi mauubusan ng harina ang iyong banga at hindi mauubusan ng langis ang iyong tapayan hanggang sa araw na padalhan ko ng ulan ang lupa.’ ”
15Lumakad ang biyuda at ginawa niya ang sinabi ni Elias. Kaya may pagkain sa araw-araw si Elias, at ang biyuda at ang pamilya nito.
16Hindi nauubos ang harina sa banga at hindi rin nauubos ang langis sa tapayan, ayon sa sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ni Elias.
17Kinalaunan, nagkasakit ang anak ng biyuda. Lumala ang sakit nito hanggang sa mamatay.