1 Mga Hari 18

Kaya pumunta si Elias at humarap kay Ahab. Malubha na noon ang taggutom sa Samaria.

1 Kings 18:2 (UKJV) And Elijah went to show himself unto Ahab. And there was a sore famine in Samaria.

1Pagkatapos ng mahabang panahon, sa ikatlong taon ng tagtuyot, sinabi ng Panginoon kay Elias, “Pumunta ka at humarap kay Ahab. Sabihin mo sa kanya na di-magtatagal at pauulanin ko na.”

2Kaya pumunta si Elias at humarap kay Ahab. Malubha na noon ang taggutom sa Samaria.

3Kaya ipinatawag ni Ahab si Obadias na siyang namamahala sa kanyang palasyo. (Si Obadias ay lubos na gumagalang sa Panginoon.

4Noong ipinapatay ni Jezebel ang mga propeta ng Panginoon, may isang daang propeta na pinagtago si Obadias sa dalawang kuweba, tig-singkwenta sa bawat kuweba, at binigyan niya sila ng pagkain at tubig doon.)

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.