3Kaya ipinatawag ni Ahab si Obadias na siyang namamahala sa kanyang palasyo. (Si Obadias ay lubos na gumagalang sa Panginoon.
4Noong ipinapatay ni Jezebel ang mga propeta ng Panginoon, may isang daang propeta na pinagtago si Obadias sa dalawang kuweba, tig-singkwenta sa bawat kuweba, at binigyan niya sila ng pagkain at tubig doon.)
5Sinabi ni Ahab kay Obadias, “Puntahan natin ang lahat ng bukal at lambak sa ating bansa, baka sakaling makakita tayo ng mga damo para sa ating mga kabayo at mga mola, para hindi na natin sila kailangang katayin.”
6Kaya pinaghatian nila ang lugar kung saan sila pupunta. Agad silang pumunta sa kani-kanilang direksyon.
7Habang naglalakad si Obadias, nakasalubong niya si Elias. Nakilala niya si Elias, kaya yumukod siya at sinabi, “Kayo po ba iyan, Ginoong Elias?”