5Sinabi ni Ahab kay Obadias, “Puntahan natin ang lahat ng bukal at lambak sa ating bansa, baka sakaling makakita tayo ng mga damo para sa ating mga kabayo at mga mola, para hindi na natin sila kailangang katayin.”
6Kaya pinaghatian nila ang lugar kung saan sila pupunta. Agad silang pumunta sa kani-kanilang direksyon.
7Habang naglalakad si Obadias, nakasalubong niya si Elias. Nakilala niya si Elias, kaya yumukod siya at sinabi, “Kayo po ba iyan, Ginoong Elias?”
8Sumagot si Elias, “Oo. Ngayon, pumunta ka at sabihin mo sa iyong amo na nandito ako.”
9Ngunit sinabi ni Obadias, “Ano po ang nagawa kong kasalanan sa inyo? Huwag po sana ninyong ilagay sa panganib ang buhay ko kay Ahab.