6Kaya pinaghatian nila ang lugar kung saan sila pupunta. Agad silang pumunta sa kani-kanilang direksyon.
7Habang naglalakad si Obadias, nakasalubong niya si Elias. Nakilala niya si Elias, kaya yumukod siya at sinabi, “Kayo po ba iyan, Ginoong Elias?”
8Sumagot si Elias, “Oo. Ngayon, pumunta ka at sabihin mo sa iyong amo na nandito ako.”
9Ngunit sinabi ni Obadias, “Ano po ang nagawa kong kasalanan sa inyo? Huwag po sana ninyong ilagay sa panganib ang buhay ko kay Ahab.
10Nagsasabi po ako ng totoo sa presensya ng buháy na Panginoon na inyong Diyos, na walang bansa o kahariang hindi pinadalhan ng aking amo ng tao upang hanapin kayo. Kapag sinasabi ng mga pinuno ng mga bansa at mga kaharian na wala kayo sa lugar nila, pinasusumpa pa sila ni Ahab na hindi talaga nila kayo nakita.