1 Mga Hari 18

Nagsasabi po ako ng totoo sa presensya ng buháy na Panginoon na inyong Diyos, na walang bansa o kahariang hindi pinadalhan ng aking amo ng tao upang hanapin kayo. Kapag sinasabi ng mga pinuno ng mga bansa at mga kaharian na wala kayo sa lugar nila, pinasusumpa pa sila ni Ahab na hindi talaga nila kayo nakita.

1 Kings 18:10 (UKJV) As the LORD your God lives, there is no nation or kingdom, where my lord has not sent to seek you: and when they said, He is not there; he took an oath of the kingdom and nation, that they found you not.

8Sumagot si Elias, “Oo. Ngayon, pumunta ka at sabihin mo sa iyong amo na nandito ako.”

9Ngunit sinabi ni Obadias, “Ano po ang nagawa kong kasalanan sa inyo? Huwag po sana ninyong ilagay sa panganib ang buhay ko kay Ahab.

10Nagsasabi po ako ng totoo sa presensya ng buháy na Panginoon na inyong Diyos, na walang bansa o kahariang hindi pinadalhan ng aking amo ng tao upang hanapin kayo. Kapag sinasabi ng mga pinuno ng mga bansa at mga kaharian na wala kayo sa lugar nila, pinasusumpa pa sila ni Ahab na hindi talaga nila kayo nakita.

11At ngayon, inuutusan nʼyo po akong pumunta sa aking amo at sabihin sa kanya na nandito kayo?

12Paano kung sa sandaling pag-alis ko ay dalhin kayo ng Espiritu ng Panginoon sa lugar na hindi ko alam? Kapag dumating si Ahab dito na wala kayo, papatayin niya ako. Ngunit ako po, mula pa sa pagkabata ko ay naglilingkod na ako sa Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.