1 Mga Hari 19

Papatayin ni Hazael ang mga sumasamba kay Baal. Ang makakatakas sa kanyaʼy papatayin ni Jehu, at ang makakatakas kay Jehu ay papatayin ni Eliseo.

1 Kings 19:17 (UKJV) And it shall come to pass, that him that escapes the sword of Hazael shall Jehu slay: and him that escapes from the sword of Jehu shall Elisha slay.

15Nagsalita ang Panginoon sa kanya, “Bumalik ka sa iyong dinaanan, at pumunta sa ilang ng Damasco. Pagdating mo roon, pahiran mo ng langis si Hazael bilang hari ng Aram.

16Pahiran mo rin si Jehu na anak ni Nimsi bilang hari ng Israel, at si Eliseo na anak ni Shafat, na taga-Abel-mehola, upang pumalit sa iyo bilang propeta.

17Papatayin ni Hazael ang mga sumasamba kay Baal. Ang makakatakas sa kanyaʼy papatayin ni Jehu, at ang makakatakas kay Jehu ay papatayin ni Eliseo.

18Ngunit ililigtas ko ang pitong libong Israelita na hindi lumuhod at humalik sa imahen ni Baal.”

19Umalis doon si Elias at nakita niya si Eliseo na anak ni Shafat, na nag-aararo gamit ang isang pares na baka. May labing-isang pares na baka sa unahan niya na pinag-aararo ng mga kasama niya. Lumapit si Elias sa kanya, hinubad ang kanyang balabal at pinasa ito kay Eliseo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.