10Pagkatapos, namatay si David at inilibing sa kanyang lungsod.
11Naghari siya sa buong Israel sa loob ng apatnapung taon – pitong taon sa Hebron at 33 taon sa Jerusalem.
12Si Solomon ang pumalit sa ama niyang si David bilang hari, at tunay na matatag ang kaharian niya.
13Ngayon, si Adonias na anak ni Haguit ay pumunta kay Batsheba na ina ni Solomon. Nagtanong si Batsheba sa kanya, “Mabuti ba ang pakay mo sa pagpunta rito?” Sumagot si Adonias, “Mabuti po.
14May hihilingin lang ako sa inyo.” Nagtanong si Batsheba, “Ano ba ang hihilingin mo?”