1 Mga Hari 2

Sumagot si Adonias, “Nalalaman ninyong ako na sana ang naging hari, at hinihintay ito ng buong Israel. Pero iba ang nangyari; ang kapatid ko ang siyang naging hari, dahil iyan ang gusto ng Panginoon.

1 Kings 2:15 (UKJV) And he said, You know that the kingdom was mine, and that all Israel set their faces on me, that I should reign: nevertheless the kingdom is turned about, and is become my brother's: for it was his from the LORD.

13Ngayon, si Adonias na anak ni Haguit ay pumunta kay Batsheba na ina ni Solomon. Nagtanong si Batsheba sa kanya, “Mabuti ba ang pakay mo sa pagpunta rito?” Sumagot si Adonias, “Mabuti po.

14May hihilingin lang ako sa inyo.” Nagtanong si Batsheba, “Ano ba ang hihilingin mo?”

15Sumagot si Adonias, “Nalalaman ninyong ako na sana ang naging hari, at hinihintay ito ng buong Israel. Pero iba ang nangyari; ang kapatid ko ang siyang naging hari, dahil iyan ang gusto ng Panginoon.

16Ngayon, may hihilingin ako sa inyo. At kung maaari, huwag nʼyo akong biguin.” Nagtanong si Batsheba, “Ano ba iyon?”

17Sumagot si Adonias, “Kung maaari ay hilingin nʼyo kay Haring Solomon na mapangasawa ko si Abisag na taga-Shunem. Alam kong hindi siya tatanggi sa inyo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.