29Nang mabalitaan ni Haring Solomon na tumakas si Joab papunta sa tolda ng Panginoon at lumapit sa altar, iniutos niya kay Benaias na anak ni Jehoiada, na patayin si Joab.
30Kaya pumunta si Benaias sa tolda ng Panginoon at sinabihan si Joab, “Lumabas ka, sabi ng hari!” Ngunit sumagot si Joab, “Hindi ako lalabas; dito ako mamamatay!” Bumalik si Benaias sa hari at sinabi ang sagot ni Joab.
31Sinabi ng hari kay Benaias, “Gawin mo ang sinabi niya. Patayin mo siya at ilibing, upang ako at ang pamilya ng aking ama ay hindi managot sa pagpatay niya nang walang dahilan kay Abner na anak ni Ner, na kumander ng mga sundalo ng Israel, at kay Amasa na anak ni Jeter, na kumander ng mga sundalo ng Juda. Pinatay niya ang mga taong ito nang hindi nalalaman ng aking ama. Mas matuwid at mabuti ang mga taong ito kaysa sa kanya. Ngayon, gagantihan siya ng Panginoon sa ginawa niya sa kanila.
33Siya at ang angkan niya ang mananagot magpakailanman sa pagkamatay ng mga taong ito. Ngunit si David at ang angkan niyaʼt kaharian ay bibigyan ng mabuting kalagayan magpakailanman.”