1 Mga Hari 2

Ngunit ngayon, ikaw ang hahatol sa kanya. Matalino ka, at alam mo kung ano ang dapat gawin. Kahit matanda na siya, ipapatay mo siya.”

1 Kings 2:9 (UKJV) Now therefore hold him not guiltless: for you are a wise man, and know what you ought to do unto him; but his hoar head bring you down to the grave with blood.

7“Ngunit maging mabuti ka sa mga anak ni Barzilai na taga-Gilead at pakainin silang kasama mo, dahil tinulungan nila ako nang tumakas ako sa kapatid mong si Absalom.

8“Tandaan mo si Shimei na anak ni Gera, na taga-Bahurim at mula sa lahi ni Benjamin. Isinumpa niya ako nang matindi noong pumunta ako sa Mahanaim. Ngunit nang magkita kami sa Ilog Jordan, nakipagkasundo ako sa kanya sa pangalan ng Panginoon na hindi ko siya papatayin.

9Ngunit ngayon, ikaw ang hahatol sa kanya. Matalino ka, at alam mo kung ano ang dapat gawin. Kahit matanda na siya, ipapatay mo siya.”

10Pagkatapos, namatay si David at inilibing sa kanyang lungsod.

11Naghari siya sa buong Israel sa loob ng apatnapung taon – pitong taon sa Hebron at 33 taon sa Jerusalem.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.