1 Mga Hari 20

Nagsugo si Ben-hadad ng mga mensahero sa loob ng lungsod upang iparating ang mensaheng ito kay Haring Ahab ng Israel, “Ito ang ipinasasabi ni Ben-hadad:

1 Kings 20:2 (UKJV) And he sent messengers to Ahab king of Israel into the city, and said unto him, Thus says Benhadad,

1Ngayon, tinipon ni Haring Ben-hadad ng Aram ang lahat ng sundalo niya upang makipaglaban. Sumama sa kanila ang tatlumpuʼt dalawang hari na kakampi ni Ben-hadad na may mga kabayo at mga karwahe. Pumunta sila sa lungsod ng Samaria at kinubkob ito upang lusubin.

2Nagsugo si Ben-hadad ng mga mensahero sa loob ng lungsod upang iparating ang mensaheng ito kay Haring Ahab ng Israel, “Ito ang ipinasasabi ni Ben-hadad:

3‘Ang iyong mga pilak at ginto ay akin, pati ang mga pinakamagaganda mong mga asawa at mga anak ay akin din.’ ”

4Sinagot siya ni Haring Ahab ng Israel, “Ayon nga sa sinabi mo, Mahal na Hari, ako at ang lahat ng akin ay iyo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.