1Ngayon, tinipon ni Haring Ben-hadad ng Aram ang lahat ng sundalo niya upang makipaglaban. Sumama sa kanila ang tatlumpuʼt dalawang hari na kakampi ni Ben-hadad na may mga kabayo at mga karwahe. Pumunta sila sa lungsod ng Samaria at kinubkob ito upang lusubin.
2Nagsugo si Ben-hadad ng mga mensahero sa loob ng lungsod upang iparating ang mensaheng ito kay Haring Ahab ng Israel, “Ito ang ipinasasabi ni Ben-hadad:
3‘Ang iyong mga pilak at ginto ay akin, pati ang mga pinakamagaganda mong mga asawa at mga anak ay akin din.’ ”