19Ang mga binatang sundalo ang nangunguna sa mga sundalo ng Israel.
20Ang bawat isaʼy pinatay ang kanyang kalaban. Kaya tumakas ang ibang mga sundalo ng Aram, at hinabol sila ng mga Israelita. Ngunit si Ben-hadad na hari ng Aram at ang iba pa niyang mga kasama ay tumakas na nakasakay sa kabayo.
21Ganoon ang paglusob nina Haring Ahab ng Israel. Marami silang pinatay na Arameo at pinagkukuha nila ang mga kabayo at mga karwahe ng mga ito.
22Pagkatapos nito, lumapit ang propeta sa hari ng Israel, at sinabi, “Maghanda kayo at magplano nang mabuti, dahil lulusob pong muli ang hari ng Aram sa susunod na taon.”
23Samantala, sinabi ng mga opisyal ng hari ng Aram sa kanya, “Ang diyos ng mga Israelita ay diyos ng mga bundok; iyan ang dahilan ng kanilang pagwawagi. Ngunit kung makikipaglaban tayo sa kanila sa kapatagan, siguradong matatalo natin sila.