1 Mga Hari 20

Samantala, sinabi ng mga opisyal ng hari ng Aram sa kanya, “Ang diyos ng mga Israelita ay diyos ng mga bundok; iyan ang dahilan ng kanilang pagwawagi. Ngunit kung makikipaglaban tayo sa kanila sa kapatagan, siguradong matatalo natin sila.

1 Kings 20:23 (UKJV) And the servants of the king of Syria said unto him, Their gods are gods of the hills; therefore they were stronger than we; but let us fight against them in the plain, and surely we shall be stronger than they.

21Ganoon ang paglusob nina Haring Ahab ng Israel. Marami silang pinatay na Arameo at pinagkukuha nila ang mga kabayo at mga karwahe ng mga ito.

22Pagkatapos nito, lumapit ang propeta sa hari ng Israel, at sinabi, “Maghanda kayo at magplano nang mabuti, dahil lulusob pong muli ang hari ng Aram sa susunod na taon.”

23Samantala, sinabi ng mga opisyal ng hari ng Aram sa kanya, “Ang diyos ng mga Israelita ay diyos ng mga bundok; iyan ang dahilan ng kanilang pagwawagi. Ngunit kung makikipaglaban tayo sa kanila sa kapatagan, siguradong matatalo natin sila.

24Ito ang kailangan ninyong gawin: Alisin ninyo ang tatlumpuʼt dalawang hari sa kanilang katungkulan, at ipalit sa kanila ang mga opisyal.

25Pagkatapos, magtipon kayo ng mga sundalo, mga kabayo, at mga karwahe na kasindami ng mga nawala noon. Makipaglaban tayo sa mga Israelita sa kapatagan, at tiyak na matatalo natin sila.” Pumayag si Ben-hadad, at ginawa niya ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.