1 Mga Hari 20

Pagkatapos, magtipon kayo ng mga sundalo, mga kabayo, at mga karwahe na kasindami ng mga nawala noon. Makipaglaban tayo sa mga Israelita sa kapatagan, at tiyak na matatalo natin sila.” Pumayag si Ben-hadad, at ginawa niya ito.

1 Kings 20:25 (UKJV) And number you an army, like the army that you have lost, horse for horse, and chariot for chariot: and we will fight against them in the plain, and surely we shall be stronger than they. And he hearkened unto their voice, and did so.

23Samantala, sinabi ng mga opisyal ng hari ng Aram sa kanya, “Ang diyos ng mga Israelita ay diyos ng mga bundok; iyan ang dahilan ng kanilang pagwawagi. Ngunit kung makikipaglaban tayo sa kanila sa kapatagan, siguradong matatalo natin sila.

24Ito ang kailangan ninyong gawin: Alisin ninyo ang tatlumpuʼt dalawang hari sa kanilang katungkulan, at ipalit sa kanila ang mga opisyal.

25Pagkatapos, magtipon kayo ng mga sundalo, mga kabayo, at mga karwahe na kasindami ng mga nawala noon. Makipaglaban tayo sa mga Israelita sa kapatagan, at tiyak na matatalo natin sila.” Pumayag si Ben-hadad, at ginawa niya ito.

26Nang sumunod na taon, tinipon ni Ben-hadad ang mga Arameo, at pumunta sila sa bayan ng Afek para makipaglaban sa mga Israelita.

27Nagtipon din ang mga Israelita, naghanda ng kanilang mga pangangailangan, at lumabas upang makipaglaban sa mga Arameo. Nagkampo sila paharap sa kampo ng mga Arameo. Ngunit katulad lang sila ng dalawang maliliit na pulutong ng mga kambing kung ikukumpara sa mga Arameo na nakakalat sa kapatagan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.