36Kaya sinabi niya sa kanyang kasama, “Dahil hindi mo sinunod ang Panginoon, papatayin ka ng leon pag-alis mo rito.” Pag-alis nga ng kasama niya, nakita siya ng isang leon at pinatay.
37May nakita namang isang tao ang propeta at sinabi niya, “Saktan mo ako.” Kaya sinaktan siya nito at nasugatan siya.
38Pagkatapos, lumakad ang propeta at tumayo sa daan upang hintayin ang pagdaan ng hari ng Israel. Nagbalat-kayo siya sa pamamagitan ng paglalagay ng piring sa mata upang hindi siya makilala.
39Pagdaan ng hari, sumigaw ang propeta sa kanya, “Mahal na hari, sumáma po ako sa labanan, at doon ay may taong nagdala sa akin ng bihag at sinabi, ‘Bantayan mo ang taong ito. Kapag nakatakas siya, ikaw ang papatayin o pagbabayarin ng 35 kilong pilak.’
40Ngunit naging abala po ako sa ibang mga gawain kaya nakatakas ang bihag.” Sinabi ng hari, “Dapat ka ngang parusahan ayon sa sinabi mo.”