1 Mga Hari 20

Ngunit naging abala po ako sa ibang mga gawain kaya nakatakas ang bihag.” Sinabi ng hari, “Dapat ka ngang parusahan ayon sa sinabi mo.”

1 Kings 20:40 (UKJV) And as your servant was busy here and there, he was gone. And the king of Israel said unto him, So shall your judgment be; yourself have decided it.

38Pagkatapos, lumakad ang propeta at tumayo sa daan upang hintayin ang pagdaan ng hari ng Israel. Nagbalat-kayo siya sa pamamagitan ng paglalagay ng piring sa mata upang hindi siya makilala.

39Pagdaan ng hari, sumigaw ang propeta sa kanya, “Mahal na hari, sumáma po ako sa labanan, at doon ay may taong nagdala sa akin ng bihag at sinabi, ‘Bantayan mo ang taong ito. Kapag nakatakas siya, ikaw ang papatayin o pagbabayarin ng 35 kilong pilak.’

40Ngunit naging abala po ako sa ibang mga gawain kaya nakatakas ang bihag.” Sinabi ng hari, “Dapat ka ngang parusahan ayon sa sinabi mo.”

41Tinanggal ng propeta ang piring sa kanyang mga mata, at nakilala siya ng hari ng Israel na isa siyang propeta.

42Sinabi niya sa hari, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: Dahil sa pinakawalan mo ang taong sinasabi ko na dapat patayin, ikaw ang papatayin bilang kapalit niya at papatayin din ang iyong mga tauhan bilang kapalit ng kanyang mga tauhan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.