1 Mga Hari 21

“At tungkol naman kay Jezebel, sinabi ng Panginoon, na kakainin siya ng mga aso sa may pader ng Jezreel.

1 Kings 21:23 (UKJV) And of Jezebel also spoke the LORD, saying, The dogs shall eat Jezebel by the wall of Jezreel.

21Kaya ito ang ipinasasabi ng Panginoon sa iyo: ‘Padadalhan kita ng kapahamakan. Papatayin ko ang lahat ng iyong angkan na lalaki, alipin man o hindi.

22Lilipulin ko ang pamilya mo katulad ng ginawa ko sa pamilya ni Jeroboam na anak ni Nebat at sa pamilya ni Baasa na anak ni Ahias, dahil ginalit mo ako at ikaw ang naging dahilan ng pagkakasala ng mga Israelita.’

23“At tungkol naman kay Jezebel, sinabi ng Panginoon, na kakainin siya ng mga aso sa may pader ng Jezreel.

24“Ang mga kabilang sa pamilya mo na mamamatay sa lungsod ay kakainin ng mga aso, at ang mamamatay sa bukid ay kakainin ng mga ibon.”

25(Wala nang ibang taong ipinagbili ang sarili sa paggawa ng masama sa paningin ng Panginoon, katulad ng ginawa ni Ahab dahil sinulsulan siya ni Jezebel na kanyang asawa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.