1 Mga Hari 21

Ito ang mensahe ng kanyang sulat: “Tipunin ninyo ang mga mamamayan upang mag-ayuno, at paupuin ninyo si Nabot sa unahan ng mga tao.

1 Kings 21:9 (UKJV) And she wrote in the letters, saying, Proclaim a fast, and set Naboth on high among the people:

7Sinabi ni Jezebel, “Hindi baʼt ikaw ang hari ng Israel? Bumangon ka at kumain! Magpakasaya ka dahil ibibigay ko sa iyo ang ubasan ni Nabot na taga-Jezreel.”

8Kaya sumulat si Jezebel sa pangalan ni Ahab, tinatakan niya ito ng tatak ng hari, at ipinadala sa mga tagapamahala at sa iba pang mga opisyal ng lungsod kung saan nakatira si Nabot.

9Ito ang mensahe ng kanyang sulat: “Tipunin ninyo ang mga mamamayan upang mag-ayuno, at paupuin ninyo si Nabot sa unahan ng mga tao.

10Pagkatapos, paupuin ninyo sa harapan niya ang dalawang masamang tao upang paratangan siya na isinumpa niya ang Diyos at ang hari. Pagkatapos, dalhin ninyo siya sa labas ng lungsod at batuhin hanggang mamatay.”

11Ginawa ng mga tagapamahala at ng iba pang mga opisyal ang sinabi sa kanila ni Jezebel sa sulat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.