1 Mga Hari 21

Pagkatapos, paupuin ninyo sa harapan niya ang dalawang masamang tao upang paratangan siya na isinumpa niya ang Diyos at ang hari. Pagkatapos, dalhin ninyo siya sa labas ng lungsod at batuhin hanggang mamatay.”

1 Kings 21:10 (UKJV) And set two men, sons of Belial, before him, to bear witness against him, saying, You did blaspheme God and the king. And then carry him out, and stone him, that he may die.

8Kaya sumulat si Jezebel sa pangalan ni Ahab, tinatakan niya ito ng tatak ng hari, at ipinadala sa mga tagapamahala at sa iba pang mga opisyal ng lungsod kung saan nakatira si Nabot.

9Ito ang mensahe ng kanyang sulat: “Tipunin ninyo ang mga mamamayan upang mag-ayuno, at paupuin ninyo si Nabot sa unahan ng mga tao.

10Pagkatapos, paupuin ninyo sa harapan niya ang dalawang masamang tao upang paratangan siya na isinumpa niya ang Diyos at ang hari. Pagkatapos, dalhin ninyo siya sa labas ng lungsod at batuhin hanggang mamatay.”

11Ginawa ng mga tagapamahala at ng iba pang mga opisyal ang sinabi sa kanila ni Jezebel sa sulat.

12Tinipon nga nila ang mga mamamayan upang mag-ayuno at pinaupo nila si Nabot sa unahan ng mga ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.