10Pagkatapos, paupuin ninyo sa harapan niya ang dalawang masamang tao upang paratangan siya na isinumpa niya ang Diyos at ang hari. Pagkatapos, dalhin ninyo siya sa labas ng lungsod at batuhin hanggang mamatay.”
11Ginawa ng mga tagapamahala at ng iba pang mga opisyal ang sinabi sa kanila ni Jezebel sa sulat.
12Tinipon nga nila ang mga mamamayan upang mag-ayuno at pinaupo nila si Nabot sa unahan ng mga ito.
13Pagkatapos, may dumating na dalawang masamang tao, umupo sa harapan ni Nabot, at pinaratangan nila ito sa harapan ng mga tao. Sinabi nila, “Isinumpa ni Nabot ang Diyos at ang hari.” Kaya dinala nila si Nabot sa labas ng lungsod, at binato hanggang mamatay.
14Pagkatapos, sumulat sila kay Jezebel na binato nila si Nabot at patay na ito.