1 Mga Hari 21

Pagkatapos, may dumating na dalawang masamang tao, umupo sa harapan ni Nabot, at pinaratangan nila ito sa harapan ng mga tao. Sinabi nila, “Isinumpa ni Nabot ang Diyos at ang hari.” Kaya dinala nila si Nabot sa labas ng lungsod, at binato hanggang mamatay.

1 Kings 21:13 (UKJV) And there came in two men, children of Belial, and sat before him: and the men of Belial witnessed against him, even against Naboth, in the presence of the people, saying, Naboth did blaspheme God and the king. Then they carried him forth out of the city, and stoned him with stones, that he died.

11Ginawa ng mga tagapamahala at ng iba pang mga opisyal ang sinabi sa kanila ni Jezebel sa sulat.

12Tinipon nga nila ang mga mamamayan upang mag-ayuno at pinaupo nila si Nabot sa unahan ng mga ito.

13Pagkatapos, may dumating na dalawang masamang tao, umupo sa harapan ni Nabot, at pinaratangan nila ito sa harapan ng mga tao. Sinabi nila, “Isinumpa ni Nabot ang Diyos at ang hari.” Kaya dinala nila si Nabot sa labas ng lungsod, at binato hanggang mamatay.

14Pagkatapos, sumulat sila kay Jezebel na binato nila si Nabot at patay na ito.

15Nang malaman ni Jezebel na patay na si Nabot, sinabi niya kay Ahab, “Patay na si Nabot kaya lumakad ka at angkinin mo ang taniman niya ng ubas na itinanggi niyang ibenta sa iyo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.