13Samantala, ang mga inutusan para puntahan at isama si Micaias ay nagsabi, “Ang lahat ng propeta ay pare-parehong nagsasabi na magtatagumpay ang hari, kaya ganoon din ang sabihin mo.”
14Ngunit sinabi ni Micaias, “Nanunumpa ako sa buháy na Panginoon, na sasabihin ko lang ang ipinasasabi niya sa akin.”
15Pagdating ni Micaias kay Haring Ahab, nagtanong ang hari sa kanya, “Micaias, lulusubin ba namin ang Ramot-gilead o hindi?” Sumagot si Micaias, “Lusubin ninyo at magtatagumpay kayo, dahil ipapatalo ito ng Panginoon sa inyo.”
16Ngunit sinabi ng hari kay Micaias, “Ilang beses ba kitang panunumpain na sabihin mo sa akin ang totoo sa pangalan ng Panginoon?”
17Kaya sinabi ni Micaias, “Nakita ko sa pangitain na nakakalat ang mga Israelita sa mga kabundukan gaya ng mga tupa na walang nagbabantay, at nagsabi ang Panginoon, ‘Ang mga taong itoʼy wala nang pinuno. Matiwasay nʼyo silang pauwiin.’ ”