1 Mga Hari 22

Sumagot si Micaias, “Malalaman nʼyo ito sa araw na matatalo kayo sa labanan at magtatago sa kaloob-loobang kuwarto ng bahay.”

1 Kings 22:25 (UKJV) And Micaiah said, Behold, you shall see in that day, when you shall go into an inner chamber to hide yourself.

23At sinabi ni Micaias, “At ngayon pinadalhan ng Panginoon ang iyong mga propeta ng espiritu na nagpasabi sa kanila ng kasinungalingan. Itinakda ng Panginoon na matalo ka.”

24Lumapit si Zedequias kay Micaias at sinampal ito. Sinabi ni Zedequias, “Paano mong nasabi na ang Espiritu ng Panginoon ay umalis sa akin at nakipag-usap sa iyo?”

25Sumagot si Micaias, “Malalaman nʼyo ito sa araw na matatalo kayo sa labanan at magtatago sa kaloob-loobang kuwarto ng bahay.”

26Nag-utos agad si Haring Ahab, “Dakpin nʼyo si Micaias at dalhin pabalik kay Amon na pinuno ng lungsod at kay Joas na aking anak.

27At sabihin nʼyo sa kanila na nag-utos ako na ikulong ang taong ito. Tinapay at tubig lang ang ibigay sa kanya hanggang sa makabalik akong ligtas mula sa labanan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.