25Sumagot si Micaias, “Malalaman nʼyo ito sa araw na matatalo kayo sa labanan at magtatago sa kaloob-loobang kuwarto ng bahay.”
26Nag-utos agad si Haring Ahab, “Dakpin nʼyo si Micaias at dalhin pabalik kay Amon na pinuno ng lungsod at kay Joas na aking anak.
27At sabihin nʼyo sa kanila na nag-utos ako na ikulong ang taong ito. Tinapay at tubig lang ang ibigay sa kanya hanggang sa makabalik akong ligtas mula sa labanan.”
28Sinabi ni Micaias, “Kung makakabalik kayo nang ligtas, ang ibig sabihin hindi nagsalita ang Panginoon sa pamamagitan ko.” At sinabi ni Micaias sa lahat ng tao roon, “Tandaan nʼyo ang sinabi ko!”
29Kaya lumusob sa Ramot-gilead si Ahab na hari ng Israel at si Haring Jehoshafat ng Juda.