1 Mga Hari 22

Kaya lumusob sa Ramot-gilead si Ahab na hari ng Israel at si Haring Jehoshafat ng Juda.

1 Kings 22:29 (UKJV) So the king of Israel and Jehoshaphat the king of Judah went up to Ramothgilead.

27At sabihin nʼyo sa kanila na nag-utos ako na ikulong ang taong ito. Tinapay at tubig lang ang ibigay sa kanya hanggang sa makabalik akong ligtas mula sa labanan.”

28Sinabi ni Micaias, “Kung makakabalik kayo nang ligtas, ang ibig sabihin hindi nagsalita ang Panginoon sa pamamagitan ko.” At sinabi ni Micaias sa lahat ng tao roon, “Tandaan nʼyo ang sinabi ko!”

29Kaya lumusob sa Ramot-gilead si Ahab na hari ng Israel at si Haring Jehoshafat ng Juda.

30Sinabi ni Ahab kay Jehoshafat, “Sa panahon ng labanan, hindi ako magpapakilala na ako ang hari, ngunit ikaw magsuot ka ng iyong damit panghari.” Kaya nagkunwari ang hari ng Israel, at nakipaglaban sila.

31Samantala, nag-utos ang hari ng Aram sa tatlumpuʼt dalawang kumander ng kanyang mga mangangarwahe, “Huwag kayong makikipaglaban sa kahit sino, kundi sa hari lang ng Israel.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.